SANA GABI NA PART 4

Posted in SANA GABI NA SERIES with tags , , on July 24, 2009 by joceffvan

Nung matapos na namin lahat ng sessions, ayun, wala na talaga. Pero patuloy parin yung “session” ko kasama s’ya kapag gabi na. Kahit wala ng pag-asa. Isang gabi nga, habang kausap ko s’ya, bigla s’yang naglaho na parang bula. Dun ko napagtanto na wala na talagang pag-asa yung panaginip ko. Kaya nga panaginip di ba? Nangyayari lang kapag tulog tayo. Walang pag-asa na matupad. Naglalaho kapag nagigising tayo.

Pero kani-kanina lang, naganap ang pangyayari na naging dahilan para wakasan ko na ang napakagandang "bangungot". At magagawa ko lang yun sa pamamagitan ng pagsulat nito. Kwento na may wakas. At heto na nga yun.

Habang naglalakad ako sa mall, nakita ko s’ya sa isang restaurant. May kasama. Sa pagkakaalam ko, ako ang kasama n’ya ah. Nakangiti pa nga s’ya nung sinalubong ako di ba? Yun yung simula ng kwento ko.

Hay, nag-iilusyon lang pala ko. Sabi ko na eh!

Ilang beses din akong nagpabalik-balik sa restaurant na ‘yon. Para makumpira kung s’ya nga yon. S’ya nga! At kahit nakatalikod yung kasama n’ya, alam kong ‘di ako yun. Huling sulyap pa, nang napatingin din s’ya sakin. Di lang yun sulyap, matagal yun. Alam kong totoo ‘yon dahil wala sa titig n’ya yung pagmamahal sa panaginip ko.

Alam ko kilala n’ya ko sa mukha. Pero wala naman yung halaga eh. Kaya tumalikod na ko. Naglakad. Lakad-takbo ulit. Pero sa pagkakataong yun, hindi para makita s’yang nakangiti sa’ken. Kundi para lumayo, umiyak at wakasan ang kwentong ginawa ko na kaming dalawa ang bida. ‘Di ko alam kung pipikit ba ko, at didilat dahil may kamay na humawak sa balikat ko. O manatiling nakadilat, lilingon at andun s’ya sa likod ko.

Habang naglalakad ako, sinasabi ko…

“Habulin mo ‘ko! Dali.”

‘Di ‘ko alam king sa sarili ko lang yon, o baka sinisigaw ko na pala.

Pero wala eh. Hanggang ngayon, iniisip ko padin, pa’no kung hinabol n’ya pala talaga ‘ko? Pero nagdalawang isip s’ya kaya pinanuod n’ya nalang akong lumaya. Dapat talaga lumingon ako eh!

Siguro nga ‘di na uso ang happy ending. Pero malay natin, kwento namin ‘tong dalawa, but we can live happily ever after, seperately.

Advertisements

SANA GABI NA PART 3

Posted in SANA GABI NA SERIES with tags , , , on July 23, 2009 by joceffvan

Nung first day ng klase, habang naghihintay ako… Laking gulat ko nung makita ‘ko s’ya. Tapos na yung sessions nila. Finally, nagkalakas ako ng loob…

”Anung ginawa n’yo?”

”Group Activity lang. Madali lang”

Yeah! Pero yun na yung huli naming pag-uusap. Laking tuwa ko nung sabihing ililipat daw ako ng panghapon. Makakasama ko na s’ya, yun ang akala ko. Dahil nung first day ko sa afternoon class, wala s’ya. Akala ko absent lang. Pero pagdating ng uwian, nagulat ako, andun s’ya at papasok palang. Naloko na! Panggabi na s’ya?!?

Napag-alaman kong nagpalipat s’ya ng schedule. Nagkaconflict yata kasi may trabaho s’ya eh.

Nung mga sumunod na araw, halos di ko na s’ya nakikita. Malamang late, pero idol ko s’ya. Ang sipag eh, at kahit pagod at laging mukhang masungit, laging nakahanda yung matamis n’yang ngiti.

Inlove nga yata ako.

Sa taong ni hindi ko nakakausap ng matagal.

Sa taong masyadong maganda para sa’kin.

Sa taong gusto ng lahat.

Sa taong nagawan ko ng ganito kahabang kwento, gayung ‘di ko naman s’ya kilala talaga.

Pero pagdating ng gabi, nakikilala ko s’ya ng lubusan. Minsan nga, napapaisip ako… Sakanya ba ako inlove, o sa taong iniisip ko na s’ya? Sa taong mahal din ako na gawa lang ng aking isipan?

Masaya din namang mangarap eh. Kapag nag-iisa ko, kasama ko s’ya. Kaya gustong-gusto kong mag-isa. Kaya sana gabi na!

–ITUTULOY–

SANA GABI NA PART 2

Posted in SANA GABI NA SERIES with tags , , , on July 21, 2009 by joceffvan

Hala! Pang-gabi ang nakuha kong schedule ng klase. Mahigit isang oras ang byahe ko. May masasakyan pa kaya ako ng 11pm? Hay, niloloko ko naman yung sarili ko. Totoong naiinis ako, pero hindi dahil dun. Pang-hapon kasi s’ya eh. Hindi ko na nga siguro s’ya makikita muli. Ok, isang huling sulyap. Success! Pero gusto ko isa pa. Hay, wag nalang. Baka mahuli na n’ya ko.

Minsan, naiisip ko… Alam man lang n’ya kaya ang pangalan ‘ko? Sa dalawang araw namin na pagkikita, nagkausap na kami.

Break time nun. Nagbabasa s’ya ng magazine, tinabihan ko s’ya. Dyug… Dyug… Dyug. As usual, kinakabahan na naman ako. Actually, may isang upuan kaming pagitan eh. Pero sapat na yun para matitigan ko s’ya ng di n’ya namamalayan. Hay, napakagandang nilalang!

Lumapit sa’kin si sir…
“taga ____ ka di ba?”

“opo”

Salamat sir! Dahil dun, naglakas loob s’ya na tanunging ako.

“taga dun ka?”

“oo”

“edi, ang layo ng byahe mo?”

“oo”

Shit! Bakit puro oo ang nasabi ko. Pagkakataon ko na yun para makilala s’ya. Dapat pala kinuha ko yung number n’ya eh! Grrrrr…

Hay, ‘di ko na dapat maalala yun. Ang pagkakataong pinalampas ‘ko. Lalo na ngayon, baka ‘di ko na s’ya makita muli. ‘Di bale, mamayang gabi mamahalin na n’ya ko muli. Kaya lang, paggising ko nagiging unan s’ya.

–ITUTULOY–

SANA GABI NA

Posted in SANA GABI NA SERIES with tags , , , on July 15, 2009 by joceffvan

Lakad-takbo. Kailangan kong bilisan, excited na ‘ko na makita s’ya.
Hay…nakarating din. Ayun s’ya, todo ngiti sa’kin. Akalain mo bang ang napakasungit na taong ito, mamahalin ako? Napakahaba na ng kwentong nabuo sa isip ko. Minsan nga, ‘di ko na alam kung ano ba talaga ang totoo, masyado na kasi akong na-attach sa pangarap ‘ko.

Magkatabi kaming matulog gabi-gabi. Kahit walang nangyayari sa’min, ayos lang. Basta magkadikit ang aming katawan, magkayap. Alam kong pareho kaming nahihirapan, pero gusto naming maging sigurado sa lahat ng bagay na gagawin namin.

Ok, umaga na. Tapos na ang pangarap. Ibabalik ko muna s’ya sa tunay na s’ya.
Masungit, pero laging nakangiti. Ang gulo no? Basta ganun s’ya. Tahimik, laging mag-isa, pero automatic na ngingiti pag binati mo s’ya. Ewan. Siguro nakaprogram na yun sa kanya.

Nung unang araw na makita ko s’ya. Nakaramdam ako ng kaba, kinakabahan ako na baka mahuli n’ya ang mga nakaw ko’ng tingin. Pero ‘di ko talaga mapigilan eh. Natatandaan ko pa nung unang beses kong narinig yung pangalan n’ya. Kagad ko yung sinulat sa papel para di ko malimutan. Weird ko no? Pero siguro dapat pangalan ko yung sinulat ko, nakakalimutan ko kasi kung sino ako kapag nkikita ko yung ngiti n’ya. Ngiti na para sa iba.

Hay, sana gabi na. Para kami na ulit yung magkasama. Kahit wala na s’ya pagdilat ko sa umaga.

–ITUTULOY–